^

Police Metro

4-day workweek, inirekomenda ng NEDA

Mer Layson - Pang-masa
4-day workweek, inirekomenda ng NEDA
Inaayos ng tinderang ito ang mga panindang gulay sa isang pamilihang bayan sa Maynila na tumaas ang presyo kasunod ng walang tigil na taas-presyo ng krudo.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Upang makatipid ng enerhiya at mabawasan ang gastusin ng publiko, kasunod nang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ay inirekomenda ni National Economic and Development Authority (NEDA) at Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua ang pagpapatupad ng pamahalaan ng four-day workweek.

Sa Talk to the People ni Pang. Rodrigo Duterte ay sinabi ni Chua na dapat na magtipid ng enerhiya ang bansa sa pamamagitan nang paglilimita sa mobility ng mga manggagawa.

Maaari aniyang papasukin na lamang ang mga ito ng apat na araw sa isang linggo, at dagdagan na lamang ang oras ng kanilang trabaho kada araw.

“Siguro subukan natin ‘yung conservation of energy at isa sa halimbawa dito ay ‘yung four-day workweek. Magta-trabaho pa rin po ang bawat Pilipino ng 40 hours per week pero imbes na sa limang araw, ay apat na araw. Imbes na walong oras, magiging 10-oras kada araw,” mungkahi pa ni Chua.

Ipinaliwaang ni Chua na dati na itong naipatupad ng pamahalaan noong 1990s sa panahon ng Gulf War at noong 2008 nang tumaas din ang presyo ng krudo.

Bukod naman sa pagtitipid ng enerhiya, inirekomenda rin ni Chua ang targeted relief sa mga vulnerable sectors sa bansa at paglalaan ng unconditional cash transfers na P2,400 para sa bottom 50% ng mga households.

Dahil kung itataas ang minimum jeepney fare at minimum wage ay mangangahulugan rin ito ng pagtaas ng inflation rate.

INFLATION

NEDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with