^

Police Metro

Barangay chairman sa Cavite, itinumba

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng dalawang nakamotorsiklo sa Barangay Panapaan 8, Bacoor City, Cavite, kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Jaime Alamo, chairman ng Brgy. Panapaan 8, Bacoor City na idineklarang dead-on-arrival sa St. Dominic Hospital dahil sa natamong tama ng mga bala sa kanyang katawan.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya at inaalam na ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na kapwa nakamotor na mabilis na nagpulasan matapos ang krimen.

Sa ulat, alas-7:40 ng gabi ay minamaneho ng biktima ang kanyang Toyota Wigo na may plakang DAC 8384 nang pagbabarilin siya ng dalawang kalalakihan na nakamotorsiklo sa kahabaan ng Niog Road, Brgy. Niog 2, Bacoor City, Cavite.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek sa direksiyon ng Molino Boulevard habang ang biktima ay isinugod sa ospital subalit namatay din ito. - Cristina Timbang

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with