^

Police Metro

Face mask, ‘wag alisin sa ‘alert level O’ – OCTA

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bagama’t pinag-aaralan na ng mga eksperto na ilagay sa pinakamababang “Alert Level 0” ang kasalukuyang Alert Level 1 sa Metro Manila, binigyang diin ng OCTA Research Group kahapon na mapanatili ang pasusuot ng face masks.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, masyado pang maaga para tanggalin ang pagsusuot ng face mask. Ang Alert Level 0 ay hindi aniya naiiba sa kasalukuyang Alert Level pagdating pagluluwag sa restrictions at pagbubukas ng mas maraming negosyo sa bansa.

 “It is difficult to comment if we are ready for [Alert Level 0] if we don’t know what it covers but if it means removing face masks, I think it is too early for that,” ani David sa isang panayam.  “If it means easing restrictions, opening more businesses, I don’t see how that is different from Alert Level 1,” dagdag nito.

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na pinag-aaralan nang isailalim sa Alert Level 0 ang mga lugar na nasa Alert Level 1 dahil hindi na pumapalo sa isang libo ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa sa magkakasunod na anim na linggo.

Sinabi naman ni Dr. Rontgene Solante, isang infectious disease expert na pabor siya na manatli pa rin ang pagpapasuot ng face masks.

Aniya, ang pagsusuot ng face masks at palagiang paghuhugas ng kamay ay mahalaga pa rin na manatili sa Alert Level 0 dahil mayroon pang hawaan ng Omicron variant sa mga komunidad. - Angie Dela Cruz

FACE MASK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with