^

Police Metro

Dahil sa krisis sa Ukraine Duterte posibleng magpatawag ng ‘special session’ sa Kongreso

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa lumalalang krisis sa Ukraine, posibleng magpatawag na ng “special session” sa Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte upang makapagpasa ng batas upang makatulong na maibsan ang epekto ng digmaan doon kung saan ramdam ito sa mga bansa kabilang ang Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Martin Andanar, napag-usapan na sa nakaraang “Talk to the People” ni Duterte ang posibilidad nang pagpapatawag ng special session at pagpapalit ng ilang polisiya kaugnay sa excise tax sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Kaugnay nito, inihayag din ni Deputy Presidential Spokesperson and Communications Undersecretary Michel Kristian Ablan na nire-review na ang posibilidad na magdaos ng special session.

“I think this issue was already raised before the President by the Secretaries last Monday’s Talk to the People. It is being reviewed and it is a possibility of course,” ani Ablan.

Matatandaan na sa nakaraang Talk to The People ni Duterte, tinanong nito si NEDA Director General and Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua kung kailangan ng mga “enabling law” para maipatupad ang mga rekomendasyon ng kanyang ahensiya tungkol sa krisis.

Sinabi ni Chua na kung lalala pa ang sitwasyon ay irerekomenda nila ng pagpapatawag ng isang special session. Kailangan aniyang matugunan ang epekto ng Russia-Ukraine crisis sa mga mamamayan lalo na ang pagtaas ng presyo ng pagkain, kuryente, gasolina at diesel.

CRISIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with