^

Police Metro

9 katutubo patay sa araro ng van

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Siyam na katutubong Agta ang nasawi kabilang ang dalawang menor de edad habang dalawa ang nasugatan matapos araruhin  ng isang pribadong van bago sumalpok sa dalawang bahay sa Brgy. San Lorenzo, Lal-lo, Cagayan.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Aladin Oñate; Calrita Maganay; Duarte Oñate; Eric Oñate; May Ann Martinez; Rosita Martinez; Charie Oñate, pawang mga nasa hustong gulang; Elisa Martinez, 3 buwang gulang at Jeric Oñate, 10-anyos.

Sa imbestigasyon ng Lal-lo Police Station ay galing umano sa lamay at nakatambay sa gilid ng four-lane na lansangan nang tumbukin sila ng isang van na nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver na si Dan Vincent Domingo, reservist ng AFP at residente ng Bulanao, Tabuk City, Kalinga bago sumalpok sa isang bahay at dumiretso sa garahe ng isa pang bahay at sinalpok ang tricycle at fortuner na nakaparada hanggang sa muli itong sumalpok sa isa pang bahay.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nagkalasug-lasog ang katawan ng mga biktima habang nawasak ang sasakyan.

Napag-alaman na ga­ling sa kampo ng 17th Infantry Battalion sa may Bangag, Lal-lo ang suspek at papuntang Apayao, kasama ang isa pang reservist ng AFP na si Allan Jay Parungao, 29-anyos ng Dagupan Centro, Tabuk City.- Victor Martin

AKSIDENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with