^

Police Metro

Bilang ng Pinoy na ayaw magpabakuna bumaba - survey

Angie dela Cruz - Pang-masa
Bilang ng Pinoy na ayaw magpabakuna bumaba - survey
A health worker prepares to administer the Sinovac vaccine against the COVID-19 coronavirus at Pinyahan Elementary School in Quezon City on April, 14, 2021.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Batay sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey na bumaba na ang mga Pinoy na ayaw magpabakuna ng COVID-19 vaccines.

Sa resulta ay nakita rito na tanging walong porsyento na lamang ng matatandang Pilipino ang nangangamba sa pagpapabakuna laban sa COVID, batay sa isinagawang SWS survey mula Disyembre 12 hanggang 16, 2021.

Nakita rito na walong porsyento ang ayaw magpabakuna; isang porsyento ang nagsabing ‘probably’ na hindi sila magpapabakuna; habang pitong porsyento ang  nagsabing “surely not.”

Sa usapin naman ng uncertainty, nasa anim na porsyento lamang ang aminadong hindi sigurado sa pagpapabakuna kum­para sa 19 percent noong Setyembre 21; 24 percent noong Hunyo 2021; at 35 percent noong May 2021.

Ayon naman sa mga hindi bakunado, 35 ­porsyento ang nagsabing handa sila magpabakuna habang 33 percent ang nagsabing “they will surely get vaccinated” at tatlong porsyento naman ang naggiit na “they will probably get vaccinated.”

Natunghayan din sa survey na malaki ang ibinaba ng bilang ng nangangamba sa ­Mindanao na nasa 17 porsyento. Pinakamababa naman ang vaccine hesitancy sa Metro Manila.

Sinabi ng SWS na isinagawa ang naturang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 adults  kung saan hinati ito sa tag-360 sa ­Balance Luzon, Metro Manila, Visayas, at Mindanao.

COVID-19 VACCINE

SOCIAL WEATHER STATION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with