^

Police Metro

Hospital utilization rate sa Eastern Visayas nasa ‘high risk’

Danilo Garcia - Pang-masa
Hospital utilization rate sa Eastern Visayas nasa âhigh riskâ
Filipinos queue for RT-PCR swab tests at the Rizal Memorial Stadium in Manila on Tuesday, Jan. 4, 2022 as the Philippines records a sharp increase in new COVID-19 cases.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ayon sa One Hospital Command Center (OHCC) nasa “high risk” na ang hospital utilization rate sa Eastern Visayas sa gitna ng coronavirus disease ­(COVID-19) surge sa bansa.

“In terms sa hospital care utilization rate natin, may nakita tayong pagtaas sa ibang regions. Meron na tayong nasa high risk ngayon which is ‘yung Region 8 (Eastern Visayas),” pahayag ni OHCC Medical Officer Dr. Marylaine Padlan sa Laging Handa press briefing.

Giit pa ni Padlan, mahirap umanong masabi kung kailan bababa ang bilang ng mga kaso ng virus sa bansa at apektado ang operasyon sa ilang ospital sa Western Visayas.

Nasa ‘moderate risk’ naman ang healthcare utilization rate sa National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Regions 1, 2, 5, 6, 7, 11 at 13.

Tinutukoy sa HCUR ang bilang ng mga okupadong higaan sa ‘isolation, ward, at intensive care units’ sa mga ospital maging ang bilang ng ginagamit na mechanical ventilators.

Nangangahulugan rin nito na higit sa 70% pero mas mababa sa 85% ang utilization rate sa Eastern Visayas  habang nasa na pagitan ng 60%-69% naman ang mga lugar na nasa moderate risk.

Sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega, 60 porsyento sa mga tawag ay mula sa mga indibidwal na nagpapatulong sa paghahanap ng isolation facilities at assistance sa home isolation habang 15 porsyento naman ay referrals para sa mga ospital at intensive care unit services.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with