^

Police Metro

Kaso ng COVID-19 sa NCR nagkaroon ng pagpatag

Danilo Garcia - Pang-masa

DOH nababahala sa mga di nagpapa-test…

MANILA, Philippines — Nagkakaroon na umano ng pagpatag ang mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) ngunit maaaring dulot umano ito ng hindi pagpapasailalim sa testing ng maraming residente na nakakaramdam ng mga sintomas.

“Atin naman po sinasabi na bumabagal po ang pagtaas ng mga kaso. Meron po tayong nakikita na parang nagpla-plateau dito sa National Capital Region,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Idinagdag pa ni Vergeire na marami sa mga taga-Metro Manila ang nagsasarili na lamang ng ‘antigen test’ habang mas marami ang hindi na nagti-test at nagkukusa na lamang mag-isolate.

Anya,hindi lamang umano umaasa ang DOH sa mga numero ng kaso bago magdeklara na nagkakaroon na ng pagpatag ng mga kaso, kailangan umanong pag-aralan ang ibang mga metriko bago masabi na nagkakaroon na ng pagbaba sa trend nito.

Inabisuhan rin ni Vergeire ang ibang rehiyon sa bansa na maghanda sa posibleng pagtaas pa ng kaso sa kanilang lugar makaraang marami pang maidagdag sa Alert Level 4 at Level 3 ang pamahalaan.

Kabilang sa mga lugar na idinagdag sa Alert Level 4 ay ang Kalinga, Ifugao, Mountain Province, at Northern Samar.

Habang nasa Alert Level 3 naman ang Apayao, Puerto Princesa City, Masbate, Siquijor, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Lanao del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental, North Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, Surigao del Norte, Maguindanao at Basilan.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with