^

Police Metro

Lagundi, VCO nakakatulong vs mild symptoms ng COVID-19 - DOST

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Science and Technology (DOST) na batay sa clinical trials ay nakita na epektibo ang lagundi, at virgin coconut oil (VCO) laban sa mild coronavirus disease (COVID-19) symptoms.

Sinabi ni DOST Undersecretary Rowena Guevara na base ito sa clinical trials na natapos noong Agosto 2021 at nilahukan ng 278 participant ay maganda ang naging resulta dahil naibsan ang sintomas ng mga mild COVID-19 cases lalo na ang pagkawala ng pang-amoy. Wala [ring] adverse event o incidents kapag ginamit ang lagundi sa mga mild COVID-19 cases.

Iminumungkahi rito na ang dosage ng lagundi sa mga adult ay 600 milligrams (mg) at dapat inumin tatlong beses araw-araw sa loob ng 10 araw.

Habang ang pag-inom naman nito ay walang inaasahang side effects lalo pa kung sinunod ang prescribed dosage.

Sa kabilang banda, maaari naman aniyang inumin ang VCO bilang gamot sa mild CO­VID-19 symptoms.

COVID-19

DOST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with