^

Police Metro

Pitmaster nagbigay ng P100 milyon sa LGUs para sa COVID-19 testing

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagkaloob ng P100 milyon ang Pitmaster Foundation sa local government units (LGUs) para labanan ang virus at pambili ng Covid testing dahil sa patuloy na pagsirit ng hawaan ng Covid-19 sa bansa partikular sa Metro Manila.

Personal na inabot ni Pitmaster Executive Director Caroline Cruz ang P50 million cash at P50 million halaga ng mga Covid testing kits sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na sinaksihan din ng Department of Interior and Local Government, at ng Department of Health sa Ynares Sports Arena sa Rizal.

“Ito po ang aming ambag sa pamahalaan para magkaroon ng Covid mass testing sa bawat lungsod dito sa NCR para kaagad ma-isolate ang mga may sakit para hindi na po makahawa ng kapamilya o katrabaho,” wika ni Pitmaster ­Executive Director Caroline Cruz.

Idinagdag pa ni Atty.Cruz na gusto ng kanilang chairman na si  Charlie “Atong” Ang na kung maari lahat ng tao sa NCR ay ma-testing lalo na po yung may symptoms.

Nangako naman ang MMDA na ibabahagi agad ang mga cash at COVID rapid testing kits sa 17 LGUs sa Metro Manila.

Muling pinaalala din ni Atty. Cruz na bukas pa rin ang Pitmaster Foundation sa mga nangangailangan ng dialysis at chemotheraphy pero walang pera.

“Pumunta lang po kayo sa aming website at magparehistro…kami na po ang bahala sa gastos,” pahabol ni Cruz.

COVID-19

LGU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with