^

Police Metro

Hawaan ng COVID-19 sa NCR bumabagal

Danilo Garcia - Pang-masa

Ibang rehiyon tumataas…

MANILA, Philippines — Iniulat ng OCTA Research Group na habang unti-unti nang bumabagal ang hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) ay tumataas naman ang growth rate nito sa ibang mga rehiyon.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nakapagtala lamang ang Metro Manila ng 10% one-week growth rate mula Enero 12-18 at bumaba rin ang reproduction number sa 2.07 nitong Enero 18 mula sa naitalang 2.67 noong Enero 16.

Pero, tumaas naman ang isang linggong growth rate sa labas ng Metro Manila tulad sa Tacloban ng 469% growth rate, 378% sa Cebu City, 305% sa Davao City, 281% sa Iloilo City, 269% sa Baguio City, 261% sa Cagayan de Oro at 235% sa Zamboanga City.

Nakapagtala rin ng higit sa 100% na growth rate ang General Santos (189%); Naga (188%); Bacolod (183%); Lapu Lapu (182%); Santiago (163%); Dagupan (120%); at Lucena (105%).

Nananatili pa rin namang nasa severe ang ­Average Daily Attack Rate (ADAR) sa NCR na nasa 111.47, gayundin ang Baguio City na nakapagtala naman ng ADAR na 130.56 per 100,000 population. - Angie dela Cruz

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with