^

Police Metro

Sundalo, Pulis, Bumbero papalit sa nagkakasakit na health workers

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang mapunuan ang mga nakaba­kanteng puwesto ng mga nagkakasakit na health workers dahil sa pagkahawa ng COVID-19 ay handa nang pumalit ang mga sundalo, pulis at bumbero sa kanila.

Ito ang sinabi ni treatment czar Health Undersecretary Leopoldo Vega sa kabila ng maraming bilang ng mga healthcare worker na muling nagkakasakit ng COVID-19.

Mahalaga umanong magpatuloy  pa rin ang manpower sa mga lugar sa bansa na may mataas at mabilis na pagkalat ng mga kaso ng omicron variant ng COVID-19.

Sinabi ni Vega na may memorandum of agreement (MOA) nang binabalangkas sa pagitan ng Department of Health (DOH), Armed Forces of the Philippines (AFP) Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP).

Iginiit ni De Vega na dito pa lamang sa Metro Manila, nasa higit 3,100 na ang bilang ng healthcare workers ang naka-isolate hanggang nitong Enero 12 na kumakatawan sa 11% ng kabuuang medical workers na nasa government institutions sa NCR.

HEALTH WORKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with