^

Police Metro

Positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba sa 50%

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Batay sa latest report ng OCTA Research Group ay bumaba sa 50 percent ang positi­vity rate ng COVID-19 sa Metro Manila na mas mababa sa nagdaang linggo.

Ayon sa OCTA ang positivity rate na 50 percent ay nangangahulugan na may isang positibo sa COVID-19  mula sa bawat dalawang nagpasuri sa virus.

Malaki ang paniwala ng OCTA na ito ay nagpapakita na naabot na ng Metro Manila ang peak at ngayon ay nagsisimula nang bumaba ang bilang ng tinatamaan ng COVID dahil sa patuloy na testing capacity.

Pero, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA na hihintayin pa rin nila kung may pagbabago na magaganap kung patuloy na bababa ang kaso sa mga darating na araw.

 Nitong linggo ay nakapagtala ang DOH ng 37,154 bagong kaso ng COVID-19 na mas mababa ito sa 39,004 bagong kaso noong Sabado.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with