^

Police Metro

No work, no pay’ sa health break suspendihin

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasunod nang pagdedeklara ng “health breaks” dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19 ay hinikayat kahapon ng isang teachers’ group ang Department of Labor and Employment (DOLE) na suspendihin ang implementasyon ng “no work, no pay” policy sa mga paaralan.

Sinabi ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Private Schools Secretary General Jonathan Geronimo na suportado ng kanyang grupo ang health breaks, subalit iginiit na maraming school personnel, kagaya ng probatio­nary teachers at contractual workers, ang haharap sa malaking bawas sa suweldo dahil sa “no work, no pay” policy.

Nagpadala naman ang ACT Private Schools ng liham kay Labor Secretary Silvestre Bello III, upang iapela ang suspensyon ng polisiya.

Giit ni Geronimo, ma­ka­aapekto ang bawas-sahod sa kakayahan ng mga guro na bumili ng pagkain at gamot.

Dagdag pa niya, hindi umano malulugi ang mga pribadong paaralan sakaling bayaran ang contractual employees sa gitna ng health breaks “because school fees are computed and paid at semester or yearly rates.”

DOLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with