^

Police Metro

Libreng barangay-based testing sa Quezon City, isinulong kontra Omicron

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 Omicron variant ay isinusulong ni Quezon City District 5 Councilor PM Vargas ang pagkakaroon ng libreng barangay-based testing sa lungsod lalo na sa District 5.

Si Vargas kasama si QC Mayor Joy Belmonte at QC Epidemiology and Surveilance Unit ay kapit bisig sa pagpapatupad ng libreng antigen testing  sa  mga residente ng District V upang mapangalagaan ang bawat komunidad sa nakahahawang variant ng Covid-19.

Anya, ang agarang pagpapasuri ay isang daan upang maiwasan ang impeksyon lalo pa’t ngayon ay may nagaganap na community transmission sa Metro Manila batay sa ulat ng Department of Health (DOH).

Ang pagpapasuri anya ay hindi accessible at hindi nakakayanan ng marami ang gastos dito na umaabot sa P700 hanggang P1,000.

Para magkaroon ng libreng serbisyo, ang residente ay  kailangang magpunta sa Greater Fairview Barangay Hall ngayong martes, January 18, 2022 mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga, alas-11:00 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon sa mga taga North Fairview  at ala-1:00 ng hapon hanggang alas-3:00 ng hapon ang mga taga  Sta. Lucia .

Kailangan lamang na magdala ng sariling ballpen, isang valid ID, at vaccination card at sagutan ng kumpleto ang form na ibibigay sa venue.

Sa mga may dagdag na tanong ay maaaring maki­pag-ugnayan sa BHERT officers: Jane Sababan sa Fairview (09204321831); Steph Baldevieso sa North Fairview (09369004574); at Manuel Galvez sa Sta. Lucia (09190755109).

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with