^

Police Metro

Marcos prayoridad na makalikha ng trabaho

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung palarin na ma­ging pangulo ng bansa ay prayoridad ni dating senador Bongbong Marcos na muling pagbangon ang bansa mula sa pandemya ng COVID-19.

Sinabi ni Marcos, kung ano ang mga plano nila ng kanyang katambal na si vice presidential aspirant Davao Mayor Sara Duterte para makalikha ng mara­ming trabaho ay gagawin nila ito.

Prayoridad ng BBM-Sara UniTeam ang pagtutok sa negosyo, agrikultura, turismo at imprastraktura kabilang na ang pagtuloy sa matagumpay na programang Build Build Build ng Duterte administration.

Bukod dito ay tututukan din ang micro, small and medium scale enterprises (MSMEs) na mabilisang makalilikha ng trabaho para sa mga Filipino.

Pagtutuunan din ng pansin ng BBM-Sara UniTeam ang agrikultura magbibigay ng maraming trabaho at malaki ang maitutulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa mula sa pandemya.

Isa rin sa pinakamabilis na makakalikha ng trabaho ay ang muling pagpapasigla ng turismo sa bansa, imprastraktura, kasama rin ang pagsasaayos ng digital infrastructure para mapagaan ang buhay lalo na ang mga estudyante na umaasa sa online.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with