^

Police Metro

Magbitiw o magbakasyon - DILG

Mer Layson - Pang-masa
Magbitiw o magbakasyon - DILG
Ito ang sinabi ni DILG Undersecretary for barangay affairs Martin Diño kasunod ng kautusan sa mga barangay officials, na tukuyin ang mga hindi pa bakunadong residente sa kanilang nasasakupan.

‘Di pa bakunadong brgy, officials…

MANILA, Philippines — Dalawang opsyon ang inilatag ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga hindi pa bakunado o ayaw magpabakunang barangay officials na magbitiw o magbakasyon sa kanilang puwesto.

Ito ang sinabi ni DILG Undersecretary for barangay affairs Martin Diño kasunod ng kautusan sa mga barangay officials, na tukuyin ang mga hindi pa bakunadong residente sa kanilang nasasakupan.

Anya, nakakahiya kung mananatili sa puwesto ang isang opisyal ng barangay na siyang nagpapatupad ng batas ngunit maging siya ay hindi pa pala bakunado.

“Kung talagang hindi pa bakunado, puwede naman kayo mag-resign o kaya mag-leave kayo hangga’t ‘di tapos ang COVID-19. Nakakahiya kayo. Biro ninyo, kayo magpapatupad ng batas tapos kayo pala ‘di bakunado?” ayon pa kay Diño.

Bagama’t hindi pa tiyak ni Diño kung mayroon pa na mga unvaccinated local officials, nagbabala ito na ang mga barangay officials na tatangging magpabakuna ay maaa­ring arestuhin.

“Kahit kapitan ka, barangay ka, aarestuhin ka. Papaaresto ka ‘pagka halimbawa may ordinansa. Walang exemptions dito, walang exempted,” aniya pa.

Muling nanawagan si Diño sa mga local officials na magpabakuna na upang magsilbi silang ehemplo ng kanilang mga consti­tuents.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with