_pang-masa
^

Police Metro

‘Misteryosong pasahero’ sa PUVs ipapakalat ng DOTr

Angie dela Cruz - Pang-masa
âMisteryosong pasaheroâ sa PUVs ipapakalat ng DOTr
Sinusuri ng pulis na ito ang vaccine card ng mga pasahero bago sila payagang makasakay ng pampasaherong jeep sa kanto ng Juan Luna at CM Recto Avenue, Tondo, Maynila dahil sa pinaiiral na polisiya ng DOTr na “no vax ,no ride”.
Edd Gumban

Para matiyak na sumusunod sa ‘no vax, no ride’ policy…

MANILA, Philippines — Para makatiyak na sumusunod ang mga driver at operator sa “no vax, no ride” policy ay magpapakalat ang Department of Transportation (DOTr) ng mga “mystery passenger” sa loob ng pampublikong sasakyan.

Ito ang sinabi ni Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor na isa umanong paraan na makakatitiyak ang DOTr na kahit walang nanghuhuling law enforcer ay maipapatupad ang polisiya dahil parang mga normal na pasahero lang na nagbabayad din  ng pasahe ang mga “mystery passenger” na magsisimula sa Lunes (Enero 17).

Bukod dito ay nagbabala rin ang DOTr ang  mga nagbabalak gumamit ng pekeng vaccination card sa mga pampublikong  sasakyan sa bansa lalo na sa Metro Manila.

Sinabi ni Undersecretary for Legal Affairs Reinier Paul Yebra na may parusang  kulong at ­multa ang mga mahuhuling ­namemeke  ng  vaccination card sa ilalim ng revised penal code.

Bukod dito ay mayroon din anyang kaparusahang nakapaloob sa mga ordinansa na ipinasa ng mga local gov’t units (LGUs)  na naglilimita sa paglabas sa bahay ng mga unvaccinated individuals na kung saan ay parurusahan ang mga pasaway batay sa ilalim ng Republic Act 113322.

Makakatuwang ng DOTr ang Land Transportation Office, LTFRB, I-ACT, MMDA, mga LGUs at ng PNP sa pagpapatupad ng “no vax, no ride policy”.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with