_pang-masa
^

Police Metro

Pinoy travellers mula sa “red list” countries puwede nang makapasok sa Pinas

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maaari nang makapasok sa bansa ang mga Pinoy travellers mula sa Red List countries o mga bansang mayroong high risk ng COVID-19 infection, mula Enero 16 hanggang 31.

Sinabi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang mga biyahero mula sa Red List countries na fully vaccinated ay required na gawin ang mga sumusunod: Magpakita ng negatibong RT-PCR ­COVID-19 test 48-oras bago ang departure; sumailalim sa facility based qua­rantine at “subjected” sa RT-PCR COVID-19 test sa pang-pitong araw; at kumpletuhin ang natitirang 14-day quarantine sa bahay kapag nag-test negative sa RT-PCR COVID-19 test.

Ang mga bansa at o mga lugar na nasa ilalim ng Red List mula Enero 16 hanggang Enero 31 ay kinabibilangan ng: Antigua and Barbuda; Aruba; ­Canada; Curacao; French Guiana; Iceland; Malta; Mayotte; Mozambique; Puerto Rico; Saudi Arabia; Somalia; Spain; at US Virgin Islands.

Ang anunsyong ito ni Nograles ay isang araw matapos na makapagtala ang Pilipinas ng  34,021 new COVID-19 cases sa isang araw, pinakamataas simula nang sumipa ang pandemya sa bansa noong Marso 2020.

Sinabi rin ni Nograles na binawi na rin ng bansa ang pagbabawal sa pagpasok ng mga dayuhan “provided that” sila ay fully vaccinated laban sa COVID-19 at “subject” sa karagdagang protocols.

“Beginning February 16, 2022, proof of full vaccination shall be made a requirement for entry of all foreign ­nationals allowed to enter the  Philippines,” ayon kay Nograles.

Gayunman, nilinaw naman ni Nograles, na hindi kasama rito ang mga turista.

“Hindi pa po natin binubuksan ang ating bansa to international tourists,”.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with