_pang-masa
^

Police Metro

Peak ng COVID-19 surge, aabot pa ng pebrero - DOH

Danilo Garcia - Pang-masa
Peak ng COVID-19 surge, aabot pa ng pebrero - DOH
Food buyers observe public health protocols by wearing face mask inside Marikina Public Market on Thursday, May 6, 2021.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Posibleng umabot pa sa unang linggo ng Pebrero ang peak ng kaso ng COVID-19.

“Base sa projections... ang peak ng mga kaso, it’s not going to happen soon... towards end of January or even as late as second week of ­February,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Kaya’t inirekomenda ng DOH na iprayoridad ang mga health workers, mga matatanda at mga taong may comorbidities sa COVID-19 testing upang mabigyan kaagad sila ng tamang medisina sa maagang panahon.

Ikinukonsidera naman ngayon na “­COVID probable” ang mga indibidwal na may sintomas ngunit hindi pa naisasailalim sa ­COVID-19 test dahil  pareho rin umano ang pamamahala sa COVID positive at probables na parehong dapat i-isolate.

Inamin ni Vergeire na hindi magagawang pigilan ng pamahalaan ang pagkalat ng coronavirus ngunit maaari namang maghanda sa pamamagitan ng paglalaan ng mas maraming higaan at intensive care unit beds sa mga pagamutan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with