_pang-masa
^

Police Metro

58 milyong pang Pinoy ‘di pa bakunado

Joy Cantos - Pang-masa
58 milyong pang Pinoy âdi pa bakunado
A nurse fills a syringe with the Pfizer-BioNtech coronavirus disease (Covid-19) vaccine on Jan. 4, 2020 at the Antonin Balmes gerontology center in Montpellier in the south of France.
AFP / Pascal Guyot

MANILA, Philippines — Tutol si Albay 2nd District Rep. Joey Salceda sa “no vax, no ride” policy ng Department of Transportation (DOTr) dahil nasa 58 milyon pang Pilipino ang hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Anya, kung ipapatupad ang nasabing polisiya ay dagdag na pahirap ito sa mamamayan lalo na at problema pa rin ang kakulangan ng bakuna.

Ginawa ni Salceda ang pahayag bilang reaksyon sa inisyung Department Order (DO) No. 2022-001 ng DOTr nitong Martes na sumasaklaw sa lahat ng uri ng pampublikong sasakyan sa lupa, tren, dagat at maging sa himpapawid patungo at palabas ng Metro Manila.

Binigyang diin ni Salceda na ang misyon ng pagbabakuna ay upang tiyakin na magbubukas na ang ekonomiya at kung haharangin ang 58 milyong Pilipino na hihigpitan ang galaw kung saan hindi ang mga ito palalabasin ng kanilang mga tahanan ay maaapektuhan din ang ekonomiya.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with