_pang-masa
^

Police Metro

6 tiklo sa higit P1.8 milyon droga

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Anim katao ang naaresto ng mga otoridad sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Navotas at Quezon City, kamakalawa.

Sa Navotas City, kinilala ang tatlong naarestong drug suspek na sina Noraima Esmail, 32;  Ma. Clarise Certeza, 23, at Erickson Veron, 36, pawang residente ng Tondo, Maynila.

Sa ulat, alas-11:30 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation sa kahabaan ng R10 Road., Brgy. NBBN, Navotas City na kung saan ay naki­pagtransaksyon ang isang pulis na buyer sa halagang P13,000 halaga kay Email at Ceteza.

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa posuer-buyer ay agad silang ­inaresto ng mga operatiba at nasamsam ang nasa 158 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng  P1,074,400.00.

Sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City ay naaresto ang tatlong suspek na sina Michael Bryan Ortiz, 30; Josephine Dela Cruz, 27; at Adrian Aleganza, 22 at nakuha sa kanila ang shabu na nagkakahalaga ng P680,000.00. - Angie dela Cruz

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with