_pang-masa
^

Police Metro

NCR mananatili sa Alert Level 3

Danilo Garcia - Pang-masa
NCR mananatili sa Alert Level 3
Nitong Huwebes, nasa 58% pa lamang ang ICU occupancy at nasa 26% ang ventilator utilization habang nasa 54% namang ang utilisasyon ng isolation beds at nasa mas mataas na 66% ang utilization rate ng ward beds sa mga pagamutan.
The STAR/Edd Gumban, file

Kung mas mababa sa 70% ang healthcare utilization rate…

MANILA, Philippines — Kung patuloy na mas mababa sa 70 ­porsyento ang healthcare utilization rate ng National Capital Region (NCR) sa pagtatapos ng linggo ay irerekomenda ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force ang pagpapanatili sa Alert Level 3.

Ito ang kondisyon ni Health Secretary Francisco Duque III sa magiging rekomendasyon niya sa magiging Alert Level ng NCR pagsapit ng Enero 15. 

Nitong Huwebes, nasa 58% pa lamang ang ICU occupancy at nasa 26% ang ventilator utilization habang nasa 54% namang ang utilisasyon ng isolation beds at nasa mas mataas na 66% ang utilization rate ng ward beds sa mga pagamutan.

Sinabi naman ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na kaya pang pamahalaan ang naturang bilang ng mga kaso sa kabila na nasa higit 200% na umano ang ‘epidemic growth rate’.

Sa nakalipas na 14 na araw, pinakamataas ang bilang ng kaso na naitatala sa Metro Manila na nasa 131,620 kasunod ang Calabarzon na may 43,337 at Region 3 na may 20,039.

Sa kabila nito, naniniwala siya na pinakaimportante pa rin ang antas ng ‘healthcare utilization’ na nananatiling nasa border ng low risk at ­moderate risk sa 60%.

 

Related video:

NCR PANDEMIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with