_pang-masa
^

Police Metro

Listahan ng mga ‘di bakunado sa barangay pinapakuha ng DILG

Mer Layson - Pang-masa
Listahan ng mga âdi bakunado sa barangay pinapakuha ng DILG
Devotees at National Shrine of Our Mother of Perpetual Help at Baclaran in Parañaque City show their vaccine cards prior to entering church premises on Wednesday, Jan. 5, 2022. Metro Manila mayors had agreed to restrict activities and movement of unvaccinated individuals as COVID-19 cases surge anew.
The STAR / Michael Varca

MANILA, Philippines — Upang makilala ang mga hindi bakunadong residente sa kanilang lugar ay inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay officials na magsumite ng listahan.

Kinumpirma ni DILG Undersecretary at Spokesperon Jonathan Malaya na nagpalabas na si Interior Secretary Eduardo Año ng kautusan para ipatupad ang restriksiyon sa galaw ng mga tao na hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

Alinsunod aniya ito sa pahayag ni Pang. Rodrigo Duterte na limitahan ang galaw ng mga unvaccinated individuals.

Sinabi ng opisyal na kung available na ang inventory, maaari nang magpatupad ang mga barangay ng restriksiyon sa mga di pa bakunado sa pamamagitan ng ordinansa.

Inihayag din ni Malaya na sa Metro Manila, tanging ang mga lungsod na lamang ng Pasig, Makati, at Navotas ang hindi pa nagpasa ng ordinansa hinggil sa restriksiyon.

Inaasahan din  ang iba pang LGUs sa ibang lugar ay magpapasa na rin ng kahalintulad na ordinansa matapos na magpalabas na ang League of the Pro­vinces of the Phi­lippines ng resolusyon ­hinggil dito. - Malou Escudero

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with