^

Police Metro

Apela ni Duterte: Pagmimisa sa simbahan, tigil muna

Malou Escudero - Pang-masa

Kabilang ang Traslasyon ng Itim na Nazareno…

MANILA, Philippines — Upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katoliko na suspendihin na lang muna ang pagdaraos ng pisikal na misa kabilang ang tradisyunal na prusisyon ng Itim na Nazareno.

“Kung nakikinig ang Roman Catholic Church, I am now appealing to you to forego and cancel all physical gatherings, including the procession and the celebration of mass sa church because marami yan sila,” apela ni Duterte sa huling Talk to the People noong Martes ng gabi.

Nilinaw din ni Duterte na hindi nagdidikta ang gobyerno, pero umaapela para sumunod ang lahat at nang mapigilan ang pagkalat ng impeksiyon.

Inaasahan na mara­ming mga deboto ang dadalo kung itutuloy ang prosisyon ng Itim na Nazareno.

Aminado si Duterte na mahalaga sa Simbahang Katoliko at mga deboto ang pagdiriwang pero kailangan aniyang magdesisyon ang gobyerno para sa kapakanan ng mga nakararami.

Binanggit din ni Duterte na hindi pinapa­yagan ang lahat ng uri nang pagtitipon at hindi maaa­ring magpaka-kampante ang gobyerno tungkol sa hawahan.

Aniya ay maiintindihan ng Simbahan at mga deboto ang kanyang apela na puwede ring isantabi at hindi sundin.

vuukle comment

MASS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with