^

Police Metro

Libre ang entrance fee sa Manila Zoo sa buong Enero

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magiging libre sa publiko ang ‘entrance fee’ ng Manila­ Zoo sa buong buwan ng Enero makaraang aprubahan ito ni Manila City Mayor Isko Moreno.

Ngunit magkakaroon lamang ng takdang bilang ng mga bisita na maaaring makapasok sa loob ng isang araw dahil sa konsiderasyon pa rin sa pandemya habang magi­ging ‘first-come, first serve’ ang basehan ng pagpapapasok.

“The capacity of Manila Zoo at 5.5 hectares of space is 17,028 kung walang COVID,” ayon kay Moreno.

Kung susundin ang dalawang metrong ‘physical distancing’, aabot ang kapasidad ng zoo sa 6,257 lamang. 

Dahil dito, ang hindi agad makakapasok sa ‘­menagerie’ ay kailangang maghintay sa parking lot.

Hindi pa naman handa ang ‘online reservations at payments’ para sa mga bisita dahil sa wala pa naman umanong access ang karamihan sa mga mahihirap sa internet.

MANILA ZOO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with