^

Police Metro

NTF-ELCAC: ATL Dynamic Law ng Pinas

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang malaking ta­gumpay para sa Pilipinas upang magkaroon ng isang “dynamic law” na tutumbas sa mga batas ng ibang bansa na panglaban sa terorismo at proteksiyon para sa karapatang pantao ang Korte Suprema na ideklarang constitutional ang Anti-Terrorism Law (ATL).

Ito ang tahasang sinabi kahapon ni Assistant Solicitor General Angelita Miranda sa ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Tinuligsa nito ang pagpapakalat ng iilang sektor na ang ATL ay idineklarang ‘unconstitutional’, ng Supreme Court (SC).

Aniya,dalawang collatilla o probisyon lamang ang  tinanggal ng SC at sa hatol na ito ng SC, pahayag ni Miranda, ang Anti-Terrorism Council (ATC) ay inarmahan na ng batas na maaaring magtalaga o magbansag sa sinomang grupo o indibidwal na may may kaugnayan sa mga terorista. Magiging bala rin ito aniya sa mga magtatangkang gumawa ng mga terroristic acts.

Sa parte naman ni Undersecretary Severo Catura, Executive Director ng Presidential Human Rights Committee Secretariat, at NTF-ELCAC spokesperson sa International Affairs, Peace Process at Human Rights Concerns, ang batas ay may kaakibat na mga proteksiyong pangkarapatang pangtao at hindi kinakailangan alalahanin ng karamihan.

ANTI-TERRORISM LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with