^

Police Metro

Anti-Terrorism Law idineklarang constitutional ng Supreme Court

Ludy Bermudo - Pang-masa
Anti-Terrorism Law idineklarang constitutional ng Supreme Court
Ang kinatatakutang Anti-Terrorism Law ay nagkabisa noong 2020 na nagdulot ng alarma sa mga kritiko na posible umanong maabuso ng mga otoridad na nagbibigay ng kapangyarihan na umaresto nang walang warrant of arrest sa mga tinuturing na terorista at ikulong kahit walang nakasampang kaso sa loob ng 14 araw, bukod sa iba pa.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Idineklara ng Korte Suprema ang Republic Act (RA) 11479, o“Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020” bilang ‘constitutional’.

Gayunman, may dalawang probisyon partikular ang Section 4 at 25 na idineklara namang labag sa Saligang Batas o ‘unconstitutional’.

Ang kinatatakutang Anti-Terrorism Law ay nagkabisa noong 2020 na nagdulot ng alarma sa mga kritiko na posible umanong maabuso ng mga otoridad na nagbibigay ng kapangyarihan na umaresto nang walang warrant of arrest sa mga tinuturing na terorista at ikulong kahit walang nakasampang kaso sa loob ng 14 araw, bukod sa iba pa.

Ang batas ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mga otoridad na arestuhin nang walang warrant ang mga taong itinuturing nilang ­terorista at ikulong sila nang walang kaso sa loob ng 14 na araw, bukod sa iba pa.

Bagama’t maraming naideklarang ­constitutional, nagkaroon naman ng ka­unting tagumpay ang mga petisyuner nang ibasura o tanggalin ang dalawang probisyon na malabo umano, ayon sa Public Information Office ng SC.

Sa desisyon, ipinunto ng SC na ““the qualifier to the provision in Section 4 of RA 11479, i.e., … which are not intended to cause death or serious physical harm to a person, to endanger a person’s life, or to create a serious risk to public safety” by a vote of 12-3 has been declared as unconstitutional for being overbroad and violative of freedom of expression.”

Sinabi rin ng Mataas na Hukuman na ang “ second method for designation’ sa Section 25 paragraph 2 ng  RA 11479, i.e., ‘Request for designation by other jurisdictions or supranational jurisdictions may be adopted by the ATC (Anti-Terrorism Council) matapos pag-aralan ay unconstitutional sa botong 9-6.

“On the basis of the current petitions, all the other challenged provisions of R.A. 11479 are not unconstitutional,” saad sa desisyon ng SC.

“The main ponencia and the various opinions contain interpretations of some of the provisions declared in these cases as not unconstitutional,” dag­dag nito.

Sa desisyon ng Supreme Court en banc, sa botong 12 pabor at 3 tutol, idinekla­rang ‘null parts ang Sec. 4 na tumutukoy sa terorismo na”overboard” umano ito at direktang pag-atake sa freedom of expression o karapatang magpahayag.

ANTI-TERRORISM LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with