^

Police Metro

P20 milyong ibibigay ng Pitmaster Foundation sa government vax drive

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magbibigay ng P20 milyon ang Pitmaster Foundation sa pamahalaan para hikayatin na magpabakuna na rin ang mga taong hindi pa nagpapabakuna kontra COVID-19.

“We will turn over the said funds sa national government for the purpose na hikayatin ang mga ayaw o nagdadalawang isip pa dyan kung magpabakuna ba o hindi,” wika ni Pitmaster Foundation Executive Director Atty. Caroline Cruz.

Anya, nakikita nila ang pagsisikap ng pamahalaan para mabakunahan ang lahat ng mamamayan at nais namin na tumulong para mahikayat ang lahat sa pamamagitan ng cash reward.

Ayon pa kay Cruz, utos ni Charlie “Atong” Ang, Chairman of the Board ng Lucky 8 Corporation, na may hawak ng Pitmaster Live, na maglaan ng P20 milyon bilang kontribusyon ng kompanya sa pamahalaan sa vaccination drive nito.

“Maganda kasi na mabakunahan na tayong lahat para makontrol na natin ang hawahan ng virus sa ating bayan, para maprotektahan natin hindi lang ang ating mga sarili kundi ang ating mga mahal sa buhay at katrabaho,” ani Cruz.

vuukle comment

PITMASTER FOUNDATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with