^

Police Metro

Jobless na Pinoy pumalo sa 3.5 milyong noong Oktubre

Angie dela Cruz - Pang-masa
Jobless na Pinoy pumalo sa 3.5 milyong noong Oktubre

MANILA, Philippines — Batay sa ulat kahapon ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umakyat ang bilang ng mga indibidwal na walang trabaho sa Pilipinas sa 3.5 milyon nitong Oktubre.

Mas mataas ang bilang na ito kumpara sa 3.07 mil­yong naitala noong Hulyo 2021, subalit mas mababa sa 3.81 milyong naiulat noong Oktubre 2020, base sa PSA.

“Sa populasyon ng 15 taong gulang pataas, ang bilang ng nasa labor force o mga indibidwal na employed o unemployed ay naitala sa 47.33 million nitong Oktubre 2021,” pahayag ng PSA.

Sa kabuuan ay uma­bot sa 43,181 households ang nakilahok sa October 2021 Labor Force Survey, habang 121,990 naman ang nakilahok sa naturang survey noong Hulyo 2021, at 43,503 sa October 2020 survey.

JOB

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with