DOH: NCR panatilihin muna sa Alert Level 2
MANILA, Philippines — Kahit pa mayroon downward trend sa COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) ay dapat pa rin manatili sa Alert Level 2 dahil sa banta ng Omicron variant.
“Para sa akin, siguro tama lang na manatili muna tayo sa Alert Level 2,” saad ni Health Secretary Francisco Duque III sa Laging Handa public briefing.
“Ang mobility tataas na naman ‘yan ngayong Kapaskuhan, alam natin yan at lalong nagbabadya ang Omicron variant so maigi na mas konserbatibo tayo.”
Sa ngayon, nasa Alert Level 2 pa rin ang Metro Manila hanggang Disyembre 15.
Samantala, hindi pa rin makapagbibigay ng desisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) kung kailan ilalagay sa Alert Level 1 ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Ito ang sinabi ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, dahil may nakaamba pang panganib ng Omicron kaya hihintayin muna nila ang resulta ng pag-aaral na ginagawa ng World Health Organization (WHO). - Gemma Garcia
- Latest