^

Police Metro

Pinas ‘minimal risk’ na sa COVID-19

Danilo Garcia - Pang-masa
Pinas �minimal risk� na sa COVID-19
Individuals begin to look for and purchase Christmas decorations at the Dapitan Arcade in Quezon City.
The STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Department of Health (DOH) na patuloy na bumubuti ang sitwasyon ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa kaya’t nasa ilalim na ng minimal risk case ang Pilipinas.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas mababa na sa 1 ang ave­rage daily attack rate mula Nobyembre 22 hanggang Disyembre 5, na nanga­ngahulugang mula sa low risk ay bumaba pa sa minimal risk ang bansa.

“Nationally we remain at minimal risk case classification with a negative two-week growth rate at -57% and a low-risk average daily attack rate at 0.67 cases for every 100,000 individuals,” pahayag niya sa isang media briefing.

13 naman sa 17 rehiyon ang nasa ilalim ng parehong klasipikasyon, dagdag niya.

Tanging Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Zamboanga Peninsula na lamang ang natitira sa low risk case classification, na mas mataas ng isa kumpara sa minimal risk status.

Nasa 1.80% por­syento naman ang positivity rate ng bansa, kung saan ang Metro Manila na may 1.1 porsyento ang pinakamababa. Tumutukoy ito sa porsyento ng lahat ng sumailalim sa COVID-19 test na nagpositibo.

Ibinalita rin ng opisyal na mas mababa na sa 50 porsyento ang paggamit sa kapasidad ng health systems sa bansa.

Nitong Linggo ay nakapagtala ng 2,834,775 COVID-19 cases kung saan 13,853 ay mga aktibong kaso habang nasa 49,386 ang nasawi.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with