PNP at Comelec sanib-puwersa sa pagbaklas ng campaign materials
MANILA, Philippines — Handa umano ang Philippine National Police (PNP) katulong ang Commission on Elections (Comelec) sa pagbaklas ng mga campaign materials kung iuutos ng local government units (LGUs).
Ayon kay PNP chief General Dionardo Carlos, mananatiling neutral ang PNP kung ang reklamo ay may kinalaman sa pagtatanggal ng mga election materials tulad ng tarpaulin.
Ngayong wala pang election period, dagsa na ang mga tarpaulin at election materials ng mga kandidato.
Tiniyak ni Carlos na wala silang papanigan o papaboran maging kaibigan o kamag-anak.
Ang pahayag ni Carlos ay bunsod ng kautusan ni Pasig City Mayor Vico Sotto na tanggalin ang mga election-related materials sa lahat ng public property.
Naglabas na rin ng guidelines ang COMELEC hinggil sa pagkakabit ng campaign materials.
- Latest