^

Police Metro

Bigtime rollback sa presyo ng petrolyo ipapatupad ngayon

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipapatupad nga­yong araw ang malaking pagtapyas ng kumpanya sa presyo ng kanilang petrolyo sa ika-5 sunod ngayong linggo.

Sa magkakahiwalay na advisory ng Caltex, Shell, Cleanfuel, Petron, Gazz, PTT Philippines, at Seaoil, nasa P2.40 sa kada litro ng gasolina ang ibabawas habang sa diesel ay P2.65 sa bawat litro.

Epektibo ito alas-6:00 ng umaga sa mga nabanggit na oil companies, maliban sa Cleanfuel na alas-8:01 pa ng umaga rin ngayong Martes.

Bawas din ng P2.70 ang kada litro ng kerosene sa mga kumpanyang Caltex, Seaoil, at  Shell.

Ang galawan ng pres­yo mula sa pandaigdigang merkado ay dulot ng paglutang ng bagong COVID-19 variant na Omicron.

Ito’y matapos magkumpirma na ang ilang bansa ng mga kaso ng Omicron na nagsimula noong nakalipas na buwan.

Inaasahan naman ang iba pang kumpanya na wala pang anunsiyo ay susunod na ring magpapatupad ng katulad na rollback.

vuukle comment

ROLLBACK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with