^

Police Metro

Mayor ng Basilan patay, isa pang mayor sugatan sa Zambo attack

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang alkalde sa lalawigan ng Basilan ang pinagbabaril na ikinasawi ng isa dito at isang security escorts  habang ang isang alkalde at kanyang security escorts ay nasa kritikal na kalagayan, naganap sa Zamboanga City, kahapon ng umaga.

Idineklarang dead on arrival si Basilan, Albarka Mayor Darussalam Lajid at isang security escort habang nasugatan si Basilan, Akbar Mayor Alih Salih at kanyang security escorts.

Batay sa ulat, bandang alas-8:31 ng umaga ay naglalakad ang mga biktima patungo sa mosque sa bahagi ng Baliwasan seaside, Brgy. Baliwasan nang paulanan ng bala ng apat na motorcycle riding gunmen na armado ng cal. 45 pistol.

Matapos na paulanan ng bala  ang mga biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin.

Si Lajid at isang security escort ay idineklarang dead on arrival sa pagamutan habang patuloy namang nilalapatan ng lunas si Salih at isa pang security escort.- Doris Franche

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with