_pang-masa
^

Police Metro

Makakapasok din sa Pinas ang Omicron — Duque

Malou Escudero - Pang-masa
Makakapasok din sa Pinas ang Omicron â Duque
This undated National Institute of Allergy and Infectious Diseases, NIH handout photo obtained August 1, 2021, shows a transmission electron color-enhanced micrograph of SARS-CoV-2 virus particles, isolated from a patient.
Handout / National Institutes of Health / National Institute of Allergy and Infectious Diseases / AFP

MANILA, Philippines — “Makakapasok din ng Pilipinas ang Omicron va­riant ng COVID-19.”

Ito ang tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque matapos matanong ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kung may posibilidad ba na makapasok sa bansa ang bagong variant na sinasabing mas mabilis makahawa.

“Ang una kong tanong sa inyong mga doktor actually is iyang diretsahan na lang: Is there a possibility that the Omicron will visit the Philippines?” tanong ng Pangulo.

Sinabi ni Duque na hindi isyu kung makakapasok kundi kung kailan makakapasok.

“Yes, sir. It is a matter --- it’s not a matter of ‘if,’ okay? It’s a matter of ‘when.’ So talagang iyan po, papasok ‘yan just as we have experienced with Alpha, Beta, Delta among the more compelling variants of concern, Mr. President,” paniniyak ni Duque.

Kaya lubhang kaila­ngan aniya na paigtingin ang “Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Reintegration.”

Kailangan din aniya na maipaintindi sa mga mamamayan ang tatlong “major interventions” katulad ng pagsunod sa minimum public health standards; pataasin pa ang vaccination rate at ipagpatuloy ang pagpapatatag ng health systems capacity bilang paghahanda sa “worst-case scenario.”

COVID-19 OMICRON VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with