_pang-masa
^

Police Metro

Tularan ang kabayanihan ni Andres Bonifacio — Duterte

Malou Escudero - Pang-masa
Tularan ang kabayanihan ni Andres Bonifacio â Duterte
Nagbigay-pu­gay si Pangulong Rodrigo Roa Du­terte kay Gat Andres Bonifacio at iba pang bayani ng Katipunan sa pagdalo nito kahapon sa pagdiriwang ng ika-158 kaarawan ni Bonifacio sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City.
Presidential photo

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino na tularan ang kabayanihan ni Andres Bonifacio at mag-ambag sa nation building lalo na ngayong nahaharap sa maraming pagsubok ang bansa.

Ito ang isa sa laman ng talumpati kahapon ni Duterte sa paggunita ng ika-158 kaarawan ni Andres Bonifacio sa Pinag­labanan Shrine sa San Juan City.

Sinabi rin ni Duterte na dapat gayahin ng mga kabataan ang pagmamahal ni Bonifacio sa bayan kahit pa sa pinakasim­pleng paraan.

“In this light, I call on our kababayans to emulate Gat Andres Bonifacio’s strong sense of civic duty, courage, love of country in our daily lives even in the simplest ways,” ani Duterte.

Binati rin ni Duterte ang gobyerno ng San Juan dahil sa matagumpay na pangunguna sa selebrasyon ng kaarawan ni Bonifacio ngayong taon.

Pinasalamatan din ni Duterte ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) dahil sa restoration at rehabilitation ng mga historical at cultural landmarks na magpapakita sa mga bagong henerasyon nang makulay na kasaysayan ng bansa.

ANDRES BONIFACIO RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with