^

Police Metro

Dayuhang turista bawal muna pumasok sa Pinas

Malou Escudero - Pang-masa
Dayuhang turista bawal muna pumasok sa Pinas
Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles, suspendido na ang pagpapatupad ng Resolution 150-A na ipinalabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emer­ging Infectious Diseases na ipatutupad sana simula Disyembre 1, 2021.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Malacañang na hindi muna papayagang pumasok sa Pilipinas ang fully vaccinated na dayuhang turista mula sa mga non-visa-required countries na hindi na kailangan ang visa buhat  sa mga Green List countries.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles, suspendido na ang pagpapatupad ng Resolution 150-A na ipinalabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emer­ging Infectious Diseases na ipatutupad sana simula Disyembre 1, 2021.

Ang suspensiyon ay may kaugnayan sa pagsulpot ng Omicron va­riant ng COVID-19 na iniiwasan na makapasok sa Pilipinas.

“We are temporarily suspending it po, abangan na lang natin. Kami rin sa IATF, we continue to consult with our health experts, we continue to actively monitor developments with regard to the Omicron variant,” ani Nograles.

Ayon pa kay Nograles, agad na ilalagay ang isang bansa sa ilalim ng Red List o mga bansa na hindi papayagan ang mga biyahero na makapasok sa Pilipinas kapag nakitaan ng local transmission ng Omicron variant.

Una nang inanunsiyo ng IATF noong Linggo ang paglalagay sa Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium at Italy sa ilalim ng red list simula November 28, 2021 hanggang December 15, 2021, bukod pa sa South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini at Mozambique na una nang inanunsiyo noong Sabado.

“Hindi pinapayagang makapasok ng Pilipinas ang lahat ng mga pasaherong galing sa red list sa loob ng nakaraang labing-apat na araw anuman ang kanilang vaccination status.

Tanging mga Pilipinong pabalik ng Pilipinas via government initiated or non-government-initiated repatriation at Bayanihan flights ang pinapayagang makapasok at isasailalim pa rin sila sa umiiral na protocols sa entry, testing at quarantine para sa red list countries, jurisdictions or territories,” ani Nograles. - Danilo Garcia

TOURIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with