_pang-masa
^

Police Metro

20,579 ex-rebels tumiwalag na sa CPP-NPA-NDF mula 2016

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umabot na sa 20,579 dating mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang tumiwalag na mula pa noong 2016.

Ito ang inihayag ni Defense Undersecretary and Task Force Balik Loob (TFBL) chair Reynaldo Mapagu na nasa 20,579 dating mga rebelde ang iniwan dahil sa maayos na “whole-of-nation approach” ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay Mapagu, mula nang maging presidente si Pangulo Rodrigo Roa Duterte naitala ang kabuuang bilang na sumuko kasama  ang  5,262 NPA Fighters, 3,414 miyembro ng Militia ng Bayan, ‘7,626 mass supporters at 2,224 ‘underground mass organization members’.

Ibinunyag din ng mga nagsisuko ang “51 NPA arms caches nationwide” na nakarekober ng 245 mga armas at 100 improvised explosive devices (IEDs) at anti-personnel mines (APMs).

Anya, ang pagkakadiskubre sa mga armas na ito ay nagpapatunay na humihina na ang bilang ng NPA, na resulta naman ng pagsisikap ng NTF-ELCAC, at patuloy na military at police operations at maging ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP na ‘flagship program’ ng pamahalaan para sa integrasyon ng mga dating CPP-NPA-NDF.

CPP-NPA-NDF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with