_pang-masa
^

Police Metro

Salceda,gagawaran ng ‘Golden Peacock Excellence’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Igagawad ng ‘Federation of Indian Chambers of Commerce Inc., Philippines’ (FICCI-PH) ang pinakamataas nitong parangal na “Golden Peacock Award of Excellence” kay Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, bilang pagkilala sa “Exemplary Leadership, Dedication and Vision” o Natatanging Pamumuno, Dedikasyon at Pananaw ng mambabatas.

Ang parangal ay pormal na igagawad sa ‘Virtual Gala Night’ ng ika-70 anibersaryo nito na gaganapin sa Nobyembre 27, ika-7 ng gabi.

Ang FICCI ay isang samahan ng mga pribadong negosyante sa India na itinatag noong 1927. Isinusulong ng FICCI-PH ang marangal na Filipino-Indian business community, ang malakas na kapatiran ng mga kasapi nito, at ang masiglang ugnayan sa negosyo ng Pilipinas at India.

Ang Golden Peacock Awards naman na 30 taon na ngayon ay itinuturing na mahusay at kapani-paniwalang pamantayan ng ‘global excellence’ sa mundo.

Tumatanggap ito ng mahigit 1,000 nominasyong pararangalan sa iba’t-ibang kategorya nito taon-taon. Pinadadaan ang mga ito sa tatlong antas ng pagsusuri at pagsala bago pagpasiyahan.

JOEY SARTE SALCEDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with