Trader, 2 pa tiklo sa P3.4 milyon shabu
MANILA, Philippines — Naaresto ng pulisya ang tatlong bigtime pusher at transporter ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa isang subdivision kamakalawa ng hapon sa Brgy. Panapaan 1, Bacoor City, Cavite.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Marvin Espiritu Dominguez, alias Barron, 30, negosyante ng 194 Palico, Imus Cavite, John Paul Reyes, alias Kuya, 26, delivery rider, ng 215-A Panapaan 1, Floraville Subdivision, Bacoor at Christine Bautista Alvaran, alias Nanay, 25, ng 0233 Talisayan, Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite.
Nabatid na ilang araw umanong isinailalim ng pulisya sa surveillance ang mga suspek at nang magpositibo ay ikinasa ang buy-bust operation sa loob ng Floraville Subdivision, ng nasabing barangay, alas-3:10 ng hapon.
Dumating ang mga suspek sakay ng Toyota Avanza at agad nakipag-deal sa tumayong poseur buyer at dito na sila naaresto ng mga nakatagong mga otoridad at narekober ang mahigit 500 gramo ng shabu na aabot sa P3.4 milyon.
- Latest