_pang-masa
^

Police Metro

NPA rebel na sangkot sa pagpatay ng 4 sibilyan, sundalo naaresto

Gilbert Bayoran - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isa umano’y ­miyembro ng New People’s Army (NPA) na sangkot sa pagpatay sa apat na sibilyan sa Sitio Agit, Brgy. Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental.

Kinumpirma kahapon ni Lt. Col. Melvin Flores, 62nd Infantry Battalion, ang pagkaaresto sa suspek na si Reagan Taub, alias Ka Apyot, na umano’y miyembro ng  New People’s Army Central Negros (Front) 1, ng mga pulis at sundalo sa isang operation sa Brgy. Calupaan, Guihulngan City.

Nabatid na nag-isyu si Guihulngan Regional Trial Court Judge Mario Trinidad ng arrest warrant laban kay Taub, sa kasong murder at walang nakalaang piyansa.

Nabatid na si Taub ay sangkot sa pagpatay sa apat na sibilyan noong Mayo 14,2021 sa Sitio Agit, Brgy. Trinidad, Guihulngan City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ronilo Quirante, Roger Fat, at mag-asawang Rodrigo at Cerelina Lubay, dahil sa pinaghihinalaang mga impormante ng military.

Nakumpiskahan din si Taub, ng isang .45 caliber pistol at supersibong dokumento at sangkot din ito sa pagpatay sa isang sundalo na si Sgt. De Ramas noong 2019, sa nasabi ring lungsod.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with