^

Police Metro

Pagpatay sa siklista sa Cavite, pinatutukan ni Eleazar

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang pulisya sa Cavite na imbestigahan ang pagkamatay ng isang siklista  na ang katawan ay nakitang nakahandusay sa kahabaan ng Abaya Road, Brgy.Tabon, Kawit, Cavite noong Oktubre 3.

Unang hininalang ang biktimang si Kenneth Ponce ay biktima ng hit- and-run nang matagpuan itong nakahandusay, subalit nang suriin ang katawan ay may tama ito ng bala ng baril sa likod.

Nawawala rin ang mountain bike ng biktima kaya ipinasasama na sa im­bestigasyon na binaril ito para agawin ng mga kawatan ang kaniyang bisikleta.

“Inatasan ko na ang mismong Regional Director ng  Police Regional Office (PRO) 4 A na si P/Brig. Gen Ely Cruz na tutukan ang kasong ito at gawin ang lahat upang matukoy at mapanagot ang sinumang may kagagawan ng krimeng ito,” wika ni Eleazar.

“Nakarating sa akin ang apela ng mga magulang ng isa nating kababayang bike rider na walang awang pinatay at pinagnakawan pa ng bisekleta sa Cavite. - Cristina Timbang

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with