^

Police Metro

PGH COVID-19 ward, lumuwag na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 na nakaratay ay nakakahinga na ngayon ang mga medical health workers ng Philippine General Hospital (PGH).

Sinabi ni PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario na 237 na lamang ang okupado sa kanilang 325 COVID-19 beds mula sa 355 pas­yente na naitala noong mga nakalipas na linggo na dahilan ng pagpapahinto sa pagtanggap ng mga pas­yenteng may COVID-19.

Sa kabila naman nito, sinabi ni Del Rosario na marami pa rin silang pas­yente ngayon na malala at kritikal ang kalagayan dahil sa COVID-19 kaya’t puno pa rin ang kanilang intensive care units (ICU).

Palagi pa rin naman silang nakakatanggap ng mga walk-in patients sa kanilang emergency room (ER) ngunit mas umikli na ang panahon na ipaghihintay ng mga pasyente ng COVID-19 para mailipat sila mula sa ER patungo sa ward, na inaabot na lamang ng isa o dalawang araw.

Bagama’t mas nakakahinga na ngayon, hindi pa rin umano makapagrelaks ang kanilang mga healthcare workers dahil sa kailangang maibaba muna sa 200 pas­yente ang laman ng kanilang COVID center.

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user