_pang-masa
^

Police Metro

Budget sa edukasyon ‘wag tapyasan - BBM

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Huwag tapyasan ang budget na nakalaan sa edukasyon, para masigurong hindi maging kulelat ang edukasyon ng mga kabataan sa bansa.”

Ito ang naging pa­nawagan ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa mga mambabatas dahil mahalaga ang edukasyon sa paglago at pag-unlad ng bansa kaya nararapat lamang na hindi matapyasan ang pondo na nakalaan para rito.

“Paano uunlad ang ating bansa kung hindi maayos ang ating edukasyon dahil ang mga institusyong nanga­ngasiwa nito ay hindi makapag-operate ng maayos dahil sa kakulangan sa budget,” wika ni Marcos.

Ayon sa ulat, tinapyasan ng Department of Budget and Management (DBM) ang budget ng Department og Education at mga attached agencies nito sa National Expenditure Program na isinumite nila sa Kongreso.

Ipinunto ni Marcos na nauna nang hiniling ng Commission on Higher Education (CHED) ang P62.3 bilyon na pondo pero ibinaba ito sa P52.6 bilyon lamang o aabot sa P9.6 bilyon ang natapyas sa pondo.

FERDINAND MARCOS JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with