^

Police Metro

JV Ejercito, Raffy Tulfo naghain ng COC para senador

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naghain na kahapon ng certificate of candidacy (COC) sina dating Senador JV Ejercito at broadcaster  Raffy Tulfo  para sa senatorial race sa darating na May 9, 2022 national and local elections.

Dakong alas-2:00 ng hapon nang magtungo si Ejercito sa Harbor Garden Tent ng Sofitel hotel sa Pasay City,  na itinakda ng Commission on Elections (Comelec) para sa national candidates mula Oktubre 1 hanggang 8.

Matatandaang si Ejercito ay nagsilbi sa pagka-senador mula taong 2013 hanggang 2019.

Noong 2019 senatorial elections ay muling kumandidato si Ejercito ngunit hindi pinalad na makaupo sa posisyon.

Samantala, si Tulfo naman ay tuluyang nang pumasok sa larangan ng pulitika nang pormal nang ihain din kahapon ang COC.

Dakong ala-1:30 ng hapon nang magtungo ang sikat na vlogger, TV at radio anchor sa Commission on Elections (Comelec) tent sa Sofitel Philippine Plaza sa Pasay City upang maghain ng kanyang kandidatura.

Nabatid na tatakbo si Tulfo bilang independent candidate.

Nauna rito, nitong Biyernes ay nagpaalam na si Tulfo sa primetime newscast ng TV5 na “Frontline Pilipinas,” kung saan nagsisilbi siyang anchor ng halos isang taon.

Aniya, “May halong lungkot at saya ang aking nararamdaman ngayon sa aking gagawing pagpapaalam sa inyo dito sa ‘Frontline Pilipinas.’”

Isang malaking karangalan aniya sa kanya na maging bahagi ng naturang news organization.

Bukod sa kanyang mga programa sa radyo at telebisyon, kilala rin si Tulfo sa kanyang YouTube program na “Raffy Tulfo in Action” at sa ngayon ay mayroong 21.7 milyong subscribers.

Samantala, naghain din ng COC para sa pagka-senador ang religious lider at founder ng Kapa Community Ministry International (Kapa) na si Joel “Pastor” Apolinario.

Batay sa inihaing certificate of candidacy (COC) ng kinatawan niyang si Danilo Brioso, lumalabas na independent senatorial candidate ito.

Matatandaang si Apolinario ay inaresto sa pagkakasangkot sa investment scam ng kaniyang itinayong Kapa noong Hulyo 2020 sa Surigao del Sur dahil sa kasong syndicated estafa.

JV EJERCITO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with