^

Police Metro

Villar pormal nang binuksan ang bagong Bypass Road sa La Union

Pang-masa
Villar pormal nang binuksan ang bagong Bypass Road sa La Union
Pinangunahan nina DPWH Sec. Mark Villar (gitna), La Union 1st Dist Rep. Pablo C. Ortega (kanan) at DPWH Reg. 1 Director Ronnel M. Tan ang ceremonial drive-thru sa pagbubukas ng bagong Bypass Rd sa La Union kahapon.

MANILA, Philippines — Pinangunahan kahapon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark A. Villar kasama si La Union 1st District Congressman Pablo C. Ortega, at DPWH Region 1 Director Ronnel M. Tan ang pagbubukas ng  8.72-kilometer San Fernando-San Juan Section ng Bauang-San Fernando-San Juan By-Pass Road sa lalawigan ng La Union na siyang magpapaluwag ng Manila North Road sa San Fernando City at San Juan.

Pinuri naman ni Sec. Villar ang mga accomplishments ng DPWH Region 1 na nakapag-ambag ng malaki sa pag-unlad ng Ilocos Region.

“I’m really thankful for DPWH Region 1 under the outstanding leadership of Director Tan. May his demonstra­ted ability, kind of work ethic, and determination inspires others to go above in performance,” wika ni Sec. Villar.

Tinatayang maki­kina­bang sa bagong daan na ito ang may 32,000 motorista araw-araw at magpapaluwag sa MNR sa bahagi ng San Fernando City at San Juan. Iiksi rin ang travel time at magiging 15 minuto na lamang ang biyahe mula sa dating 30 minuto. Ang DPWH ay naglaan ng kabuuang P810 milyon para sa proyekto.

 

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with