_pang-masa
^

Police Metro

LGUs sa Metro Manila kumilos na sa vaccine registration ng 12-17 anyos

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kumikilos na ang mga lokal na pamahalaan ng Maynila, Makati, at Muntinlupa para sa pagpapatala ng pangalan ng mga residente na may edad 12 hanggang 17 bilang paghahanda sa posibleng pagbabakuna sa kanilang “age group”

Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, kailangan lamang magpre-register ang mga Manilenyo na nasa naturang edad sa kanilang website, www.manilacovid19vaccine.ph. Ito ay bilang paghahanda aniya sa vaccination program ang mga minors sakaling umpisahan na ito ng national government.

Maging si Mayor Jaime Fresnedi ay pinakilos na ang kanilang Muntinlupa City COVID-19 Vaccination Program team para sa registration ng pagbabakuna sa mga kabataan. Sa kasalukuyan, nasa 192,360 indibidwal na o katumbas na 49.9 porsyento ng target population ang nababakunahan nila.

Sinabi naman ni Makati City Mayor Abigail Binay na maaari na ring magparehistro ang mga minors sa kanilang website na www.proudmakatizen.com. Dito gagawa ng masterlist ang lokal na pamahalaan para mga kuwalipikadong tinedyer sa oras na umpisahan na ang pagpapabakuna sa kanilang age group.

Sinimulan na rin ng lungsod ng Caloocan sa pamamahala ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang profiling ng mga menor-de edad na nasa 12-17 anyos para sa plano ng pamahalaan na bakunahan na rin laban sa COVID-19 ang mga kabataan. - Joy Cantos

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with