^

Police Metro

Sa 4 rehiyon Mahigit 12K katao nasalanta ni ‘Jolina’

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaabot sa 12,213 indibiduwal o 2,753 pa­milya ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Jolina sa apat na rehiyon.

Ito ang inihayag kahapon ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Ricardo Jalad, na ang mga naapektuhan ay mula sa 65 lugar mula sa Mimaropa, Bicol, Western Visayas, and Eastern Visayas na dinala sa 55 evacuation centers.

Sinabi rin ni Jalad na 12 mangingisda naman ang nailigtas sa Sto. Nino, Samar habang limang iba pa ang pinaghahanap .

Aniya, asahan ang pa ang malakas na bugso ng ulan sa Mimaropa, Calabarzon, at Central Luzon sa mga susunod na araw.

 Batay sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, namataan si Jolina sa San Nicolas, Batangas na may lakas na 95 kph at pabugso bugso na 160 kph. Inaasahang muling tatama si Jolina sa Bataan Peninsula at lalabas ng Philippine Area of Responsibility ngayong gabi o bukas ng umaga.

Maliban kay Jolina, minomonitor din ng PAGASA ang Typhoon Kiko na may international name Chanthu na namataan sa 1,120 km east ng Central Luzon .

Mahigpit din na nakiki­pag-ugnayan ang NDRRMC sa kanilang mga Regional NDRRMC para agad matukoy ang mga dapat na gawin o pangangailangan sa mga lugar na sinasalanta ng bagyo.

BAGYO

BAHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with