^

Police Metro

Ilang lugar sa Metro Manila lumubog sa baha dahil kay Jolina

Danilo Garcia - Pang-masa
Ilang lugar sa Metro Manila lumubog sa baha dahil kay Jolina
Nagpumilit na tumawid ang mga na-istranded nacommuters sa hanggang bewang nab aha sa Alabang-Zapote Road sa ilalim ng Zapote Flyover sa Las Pinas City, dahil sa buhos ng ulan dulot ng bagyong Jolina.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng Severe Tropical Storm Jolina, kahapon ay lumubog sa baha ang ilang mga lugar sa Metro Manila

Sa alertong ipinalabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), umabot na sa apat na metro ang taas ng tubig baha sa Roxas Boulevard – Quirino Service Road.

Habang nakararanas ng pagbaha ang Maynila, Navotas, at Malabon, dagdag pa ng MMDA.

Sa Maynila, gutter-deep na ang bahang naitatala sa along P. Burgos corner Finance Road at España Boulevard.

Sa Navotas naman ay ga-tuhod na rin ang baha sa Daang Hari corner M. Naval, Daang Hari corner Gov. Pascual, Tangos North INC, at E. Rodriguez corner Masipag.

Sa Malabon, umabot na sa 6 inches ang baha sa San Vicente Maysilo; 3 inches isan Don Basilio Pulong Duhat; 5 inches sa M.H. Del Pilar Tatawid; 5 inches sa M. Sioson Dampalit; 6 inches sa Barangay Tenejeros sa harap ng barangay hall; 4 inches sa Maria Clara Barangay Acasia; at 3 inches sa Sitio Sais Catmon.

Nasa normal level sa 14.6 meter naman ang tubig sa Marikina River ayon sa syudad. Itinataas ang unang alarma kapag naabot na ang 15 metro.

Sa nakalipas na 2pm tropical cyclone bulletin huling namataan si Jolina sa San Nicolas, Batangas.

May bitbit itong ha­ngin na may lakas na 95 kilometers per hour (kph) malapit sa sentro, bugsong aabot sa 160 kph, at tinatahak ang direksyong pa-northwestward sa bilis na 15 kph.

BAHA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with